Kahalagahan ng Teknikal Bokasyunal


     Ang teknikal-Bokasyonal na Pagsulat ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan. Karamihan sa teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto. Kadalasan ito ay payak dahil hangarin nito ay makalikha ng teksto na mauunawaan nang malinaw. Nangangailangan din ito namaging malinaw, maunawaan, at kumpleto ang binibigay na impormasyon. Kailangan ding walang maling gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian.
      Ang layunin naman ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat, upang magbigay alam, mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito, at manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon. 
     Ginagamit ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat, para maging batayan sa desisyon ng namamahala, magbigay ng kailangang impormasyon, magbigay ng intruksyon, magpaliwanag ng teknik, mag-ulat ng natamo (achievement), mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas), matiyak ang pangangailangan ng disenyo at Sistema, maging batayan ng pampublikong ugnayan, mag-ulat sa mga stockholders ng kumpanya, makabuo ng produkto, makapagbigay ng serbisyo, makalikha ng proposal, madalas natin itong ginagawa sa trabaho.
      Ang teknikal-bokayunal na sulatin ay dapat na may espesyalisadong bokabularyo, may katiyakan, tumpak, at malinaw, madaling mauunawaan, kumpleto ang impormasyon, walang kamaliang gramatikal at walang kamalian sa bantas, at obhetibo
      Naglalayon din ito na magbahagi ng impormasyon na tumpak at malinaw, at manghikayat ng mambabasa para sa mga produkto o liham.
     Mayroon ding iba't ibang gamit ang teknikal-bokasyunal na sulatin, para sa mga ulat panlaboratoryo, sa mga proyekto, mga instruksyon, at mga dayagram
     Ito ang ilan sa mga anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin, naratibong ulat, feasibility Study, promo materials, at mga deskripsyon ng produkto.
     Mahalaga itong mapagaralan dahil layunin nitong palawigin ang mga impormasyon na maaari naming magamit sa pang araw-araw na buhay.

Comments