Posts

Showing posts from July, 2017

Kahalagahan ng Teknikal Bokasyunal

Image
     Ang teknikal-Bokasyonal na Pagsulat  ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan.  Karamihan sa teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto. Kadalasan i to ay payak dahil hangarin nito ay makalikha ng teksto na mauunawaan nang malinaw. Nangang ailangan din ito namaging malinaw, maunawaan, at kumpleto ang binibigay na impormasyon. Kailangan ding walang maling gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian.       Ang layunin naman ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat, u pang magbigay alam,  mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito, at  manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon.        Ginagamit ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat, para  maging batayan sa desisyon ng namamahala,  magbigay ng kailangang impormasyon,  magbigay ng intruksy...